“Paano Nga Ba Magpakatao?”
Bakit nga ba maraming tao ang nahihirapang magpakatao? Alam nating lahat na ang bawat isa sa atin ay may kany-kanyang pagkatao. At iba’t- iba ang mga ito. Pero paano nga ba? Naalala ko ng minsang kausap ko ang mahal kong lola,tuwing magkakataon na magkakakwentuhan kami ay hindi na mawawala sa usapan yung mga bagay na tungkol sa pagkatao. Ewan ko na nga ba kung bakit,dahil siguro nga ay matanda na sya at dahil alam kong sa ganoong punto ng kanyang buhay,palagi na nyang nababanggit ang tungkol sa kamatayan. Naiinis ako kapag dumadating na ang usapan namin sa ganong paksa. Dahil takot akong mawalan ng mahal sa buhay. Palagi ko syang naririnig na humihingi ng tawad sa Diyos sa lahat ng nagawa nyang kamalian. Isa sa nga natatandaan kong sinabi nya ay ganito, “Bakit nga ba madaling maging tao,ngunit ang sadyang mahirap ay ang magpakatao”.
Nang narinig ko yun,nagtaka ako kung bakit ganun ang mga sinabi nya. At nalaman ko kung bakit ng minsang naikwento nya din sa akin ang tungkol sa kanyang kabataan,aminado sya na may mga bagay din syang di magandang nagawa. At nasabi nya yun dahil mas marami daw kabataan ngayon ang mas malala pa pala sa mga nangyari ng kabataan nya. At alam nyo ba kung sino ang mga kabataang binanaggit nya? Kami. Kaming magpipinsan, kaming mga apo nya. Kaya nga palagi nya kaming pinagsasabihan na hangga’t maaari daw ay wag kami gagawa ng nga bagay na alam naming hindi makatao. At doon ko napagnilay-nilayan na tama nga ang lahat ng ito.
Ngayon, nagsisimula akong umiwas sa mga bagay na alam kong pagsisisihan ko din sa huli, at inaamin ko na hindi ito madali. Dahil nga nasa punto ako ngayon ng aking kabataan. Kayo? Naisip nyo ba ang mga bagay na ito sa ngayon? Aminin natin na parang hindi di ba? Simulan natin ngayon. Umiwas tayo sa alam nating hindi tama hangga’t kaya natin. Simulan natin ang pagbabago. Subukan natin ang unti-unting pagdebelop ng ating pagkatao. Para din naman sa atin ang lahat ng ito. Palagi lang nating tandaan na kasama natin ang Diyos para gabayan tayo.
Monday, September 7, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)